Thank you sa lahat ng mga prayers ninyo for our baby Cache. Successful ang hernia operation nya last Saturday (thank you LORD). Nasara na ang maaaring lagusan ng intestine. Bale dalawang hiwa na bikini style ang ginawa sa may puson niya (mga 1 inch ang haba ng bawat hiwa). One hour lng ang operation from 9am to 10am. She was placed in the recovery room for than an hour then nilipat na agad sa room namin.
Tama ang sabi ng mga doctors. Mas ok kung baby pa operahan na ng hernia kasi mas madali ang healing, recovery at less traumatic pa. Si Cache nga parang di dumaan sa major operation, active uli. Nakauwi agad kmi the following day. Salamat uli sa mga dasal ninyo. To God be the glory!
Taken few hours after the operation of Cache



