
Nanonood ba kayo ng PBB Double Up? Ako, since season one ng reality show na ito ay talagang masugid na tagasubaybay na. Maliban sa solid kapamilya ako (go ABS-CBN, hehe) eh enjoy talaga akong manood ng programang ito. At hindi lng ako ha, ang buong pamilya ko ay PBB fans. Nakakatuwa kasi kahit medto late at night na siya pinapalabas, gathered together kaming mag-anak just to watch this show. Tawanan lng kami ng tawanan at comment ng comment, hehe.
Sino sa mga housemates ang paborito nyo? Kami naaaliw kay Melissa o Melai, ang kenkay ng Gensan. Nakakatuwa sya at mabait rin. Imagine, she didn’t receive any vote from her housemates during the past nomination nights. Ibig sabihin lamang na gusto rin sya ng mga taong nakakasama niya. Kaya go go Melai, itaguyod mo ang bandila ng Gensan. (“,)
Ito si Melai…nakakatawa sya ![]()

Patuloy tayong manood ng PBB Double Up!
