Nakakalungkot ang laman ng mga balita ngayon…ito ang karumal-dumal na masaker sa Maguindanao. Umaabot na sa 46 ang mga biktima at ang masakit, ang mga taong ito ay mga sibilyan. Ayon sa mga paunang imbistigasyon, away politika ng dalawang makapangyarihang pamilya ang maaaring dahilan ng masaker. Bakit kailangan pa nilang idamay ang mga inosenteng tao? Ang masasabi ko lng, napakawalang puso at kaluluwa ng mga salarin. Dapat lamang silang managot. Ang panalangin ko na makamit ng mga biktima ang hustisya sa lalong madaling panahon. Ipinagdarasal ko din ang mga naiwang pamilya ng mga biktima. Naway magkaroon na ng tunay na kapayapaan sa Mindanao at sa buong mundo.

Please post this black ribbon in your blog and other social networking sites…in memory of the victims of the Maguindanao massacre.